Board Exam Tips & Tricks

LATEST BLOGS

Average Students & Board Exams

  • Hilo sa math?
  • Muntik sumuko sa Algebra?
  • Kaya ko ba talaga to?

Yes, ako lahat yan.

Hi, I'm Adrian and here's my engineering college + board exam journey last 2015.

Nagsimula noong senior year ng highschool ang pag-pili ng course sa college.

Inspired by my Tito, doon nagsimula ang interest ko sa engineering pero may isang bagay lang na bumabagabag sa isip ko...dahil ako'y isang average student lang at hindi mamaw sa math.

The "hindi magaling pero pwede na" type of student, dinadaan sa sipag at tyaga ang lahat

Dahil jan, hinanap ko ang pinakamadaling engineering at nag-decide mag ELECTRICAL.

Turns out, ito pala ang may pinakamadaming math sa lahat! HAHA

Well, napasubo na kaya tinuloy ko na. Noong una okay naman, pero dumating na nga yung araw na ikinakatakot ko, ang paghaharap namin ni Algebra.

Dahil sa takot ko, nag-advanced study ako and some extra practice ng mga problems sa free tine. After ng sem, ok naman naka 2.75!

Para sakin napakalaking bagay nito kasi I have overcome one of my greatest fear.

This result made me believe that everything can be learned through practice and repetition.

Tinuloy tuloy ko lang hanggang calculus, advanced math, numerical analysis! Awa ng Diyos naka-graduate naman on-time at never nakaranas ng bagsak.

Iba talaga nagagawa ng takot, nagiging malakas na motivation para lalong magpursiging mag aral. Gagawin mo talaga lahat!!!

Fast forward graduation, bumalik uli yung anxiety ko about sa math kasi..

𝗕𝗢𝗔𝗥𝗗 𝗘𝗫𝗔𝗠 𝗜𝗦 𝗪𝗔𝗩𝗜𝗡𝗚!

board exam after college waving what to do tips

board exam after college waving what to do tips

Kaya ngiting aso ako sa mga pictures ko nung graduation eh, para kong binuhusan ng malamig na tubig kasi board exam naman ang naghihintay. Haha

Buong ceremony ng graduation ay parang di ako masaya, naiisip ko lang ang board exam na:

"𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗸𝗼 𝗯𝗮 𝘁𝗼?"

"𝗪𝗵𝗮𝘁 𝗶𝗳 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗴𝗸𝗮-𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗯𝗼𝗯𝗼 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗵"

"𝗪𝗼𝗿𝘁𝗵𝘆 𝗯𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗲𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿"

Yan ang mga demons na nilalabanan ko noong nasa review period ako.

While nasa review center, mas lalong tumaas ang stress at pressure kasi mga kasama ko dun puro mamaw.

Nag ipon ipon ata lahat ng mga magagaling na students from all over the PH. Grabe ang aactive nilang lahat tuwing lecture, ramdam mo ung competitive spirit.

Kaya magkakaroon ka talaga ng self doubt kapag may hindi ka alam. Anxiety iz real!

Sa sobrang bilis pa ng turo ng mga prof, yung dating isang sem tinuturo ay boom, nakukuha sa isang pasada lang!

Tapos tuwing evaluation exam nga, lagi akong hilo at stock knowledge lang kasi napag-iiwanan na ng topic. Jusko dami ng backlog!

Doble kayod talaga, umaga review center, uwi, lunch, nap, hapon study, dinner, sa gabi aral ng mga backlogs!

Kaya nag-decide ako na i-take home nalang ang evals, saka ko nalang i-take pag nadaanan ko na lahat.

Ginawa ko ito ng halos 5 months. Grabe yung disiplina at galawan kasi alam kong madaming naka asa sa results eh.

Everyday makikita ko naka prepare na yung almusal ko, ramdam ko ung supporta ng parents at family ko, di nila ko pinapagawa ng ibang chores kasi alam nila na naghahanda ako para sa boards.

Sobrang na appreciate ko yung tulong nila kaya sinusuklian ko din talaga ng gigil sa pag aaral. I should not let my team down. I'm lucky enough to have them kasi i know may mga nagrereview din na may work pa, yung iba retakers, yung iba may mga baby pa. Saludo po sa inyong lahat!

Also, having 2 review buddies is enough for me, tanungan ng formulas, bigayan ng notes, basta sincere na tulungan talaga para magkahilaan pataas.

Kapag tinatamad ako mag-aral, ang lagi kong iniisip ay ako yung breadwinner sa pamilya, hindi pwedeng umulit kasi sayang yung oras. I only have one chance to pass kasi kailangan na magtrabaho at mag give back na sa parents.

Kasi habang tayo ay busy sa mga buhay natin, di natin minsan nakikita na tumatanda na din sila.

Yan ang mga reason why ako bumabangon sa umaga and nagstick sa routine ng halos 5 months.

actual board exam day 1

Noong araw ng board exam, syempre kabado bente, maririnig mo lahat sila sabi, "this is it pancit!" or "let's go sago" sa hallway.

Pero noong nagsimula na, nakakasagot naman and napapangiti nalang ako kapag nakakakita ako ng mga tanong na naaral ko while nagre-review.

Worth it yung sacrifices at mga inaral. Hehe

After the first day, kampante ako sa Math at ESAS namin. Nag-compute ako ng score at pasipol-sipol nalang pero kalmado pa din kasi sa 2nd day yung EE.

Nawindang lang ako sa dami ng ACRONYMS at TERMINOLOGIES na lumabas kaya inabot ako ng 2AM kakabasa lang, lalo na sa main subject. Kaya advise ko sayo is sa free time mo mag basa basa ka ng related sa course mo. Mga news and trends ba kasi ungmga examiners may socmed din yan. Malay natin magbigay sila ng mga bonis questions diba?

actual board exam day 2

2nd day sobrang lutang kakabasa, naiwan ko ung envelope ko sa bahay!!! Pambihira buti nalang pagsilip ko sa FX ay nakasunod pala tatay kong tricycle driver, grabe the feeling buti di pa nakakalayo!!!! Nagkatawanan nalang kami sabay sabi nya uli ng goodluck. Wew!

Awa ng Diyos, after ng 2nd day para akong nabunutan ng tinik na dinala ko simula nung graduation.

Kasi sa wakas tapos na talaga ang mga pagsubok. Legit na yung ngiti.

Nagtatanong mga kapamilya kung pasado na, ngini ngitian ko lang sila. Pero alam ko sa sarili ko ok na, pero chill lang until wala pang results.

after board exam

Ayun, 2 days ata ako walang malay at natulog lang. Grabehan talaga.

3 to 4 ay after nun lumabas yung result and boom pasado!

Masaya ako dahil sa results, pero mas masaya ako dahil napasaya ko ung mga taong nakapaligid sakin. They are my people, alam mo na genuine na masaya for me.

And that's what I want you to feel also, Future Board Exam Passer

Kaya kung ikaw ay incoming college student and nagbabalak ka mag-engineering pero natatakot ka sa math, read mo lang uli ito. Balikan mo lang at basahin lagi.

Kung nasa board exam stage ka naman lumalaban, it will be all worth it soon. Kung nahihirapan ka sa review, isipin mo ay na-survive mo ang college! For sure kayang kaya mo din yang board exams!

Engineering is a noble profession, don't let anybody stop you from your dreams. 

𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗼𝘁𝗲: Mahirap ang board exam, pero posible! In my career, the license opened up new doors of opportunities.

Also, I think yung pinaka-solid na naituro sa akin ng board exam ay yung work ethic, character, and attitude sa buhay at sa career.

Kung binabasa mo ito, I hope and pray na matupad lahat ng mga gusto mo sa buhay at maipasa mo na ang board exams mo soon!


Thanks for reading.

If you find it helpful join our newsletter for free below.

I will send you daily study tips, review techniques, and reminders for your board exam!

Also, share this sa ibang tropa para matulungan din natin sila.

See you on the next one!

{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}

download now for free!

Top 22 Board Exam Secrets That You Should Know Right Now!

Share mo din sa ibang tropa!

Hey, I'm Adrian. 

@engradriancelso

I am an engineer, author, and an online coach that is dedicated to helping graduates and students like you who are struggling in the review for the Board Exams.


We teach the simplest & easy to apply methods on how to transform their review habits to achieve the "Board Exam Discipline" that you need to pass and get your dream license.

The Board Exam is hard but you don't have to do it alone, you can take us with you! Stay tuned!